Gabi nanaman at nakita kang muli Nag-iisang naglalakad wala man lang katabi Gusto kang samahan pero laging nagmamadali Gusto kong kasama kahit sobrang saglit
Pero ang hirap isipin kasi alam ko may iba Okay na sakin basta't makita kang masaya
Ba't ganito ba ang pag-ibig? Pag iisipin ng marami Kahit anong gawin wala lang sakanya Tinuturing mong prinsesa Kahit alam mong kaibigan ka Hanggang sa dulo walang-wala pa rin sa kanya Siya lang kasi ang nagpapasaya
Di mo ata alam na andito lang ako Kung kailangan mo nang tulong Ako ang sasagip sayo Mag mumukha akong tanga para sayo Basta't makita ngiti mo Wala akong pake sa mundo
Pero ang hirap isipin kasi alam ko may iba Okay na sakin basta't makita kang masaya
Ba't ganito ba ang pag-ibig? Pag iisipin ng marami Kahit anong gawin wala lang sakanya Tinuturing mong prinsesa Kahit alam mong kaibigan ka Hanggang sa dulo walang-wala pa rin sa kanya
Gabi nanaman at nakita kang pauwi Nag-iisang naglalakad wala pa ring katabi Tatabihan ka na ba para makasama ka saglit Panahon na nga ba para ako'y umibig muli?Teksty umieszczone na naszej stronie są własnością wytwórni, wykonawców, osób mających do nich prawa.