[Verse] Akala ko 'di na magmamahal muli Bilanggo sa 'king nakaraan, pasan ko ang daigdig Ngunit nang ika'y makita nagkaroon ng pag-asa Puso kong nangungulila nakatagpo ng makakasama
[Pre-Chorus] Liwanag ay nakita na Sa piling mo'y maligaya Ngunit ang 'yong nadarama sa 'kin ay hindi pala tunay Ako'y iyong pinaniwala
[Chorus] Bakit pa muling iibig kung puso'y masasaktan lang Tinuruan mong umibig pero ako'y pinaglaruan Parang apoy sa langit Nilinlang ng 'yong pag-ibig Akala ko'y natagpuan ang walang hanggan Pero hindi pala, 'di pala tunay na iyong minamahal
[Bridge] 'Di hahayaan na sa aki'y lumapit pa Palalayain na ang puso na sa'yo'y umaasa Sakit na nadadama'y 'di mawala Ngayon bakit pa? bakit pa?
[Chorus] Bakit pa muling iibig kung puso'y masasaktan lang Tinuruan mong umibig pero ako'y pinaglaruan Parang apoy sa langit Nilinlang ng 'yong pag-ibig Akala ko'y natagpuan ang walang hanggan Pero hindi pala, 'di pala tunay na iyong minamahalTeksty umieszczone na naszej stronie są własnością wytwórni, wykonawców, osób mających do nich prawa.