[Verse 1] Sa pagkumpas ng iyong kamay Aking landas, ginagabay Nag-iisang tiyak sa isang libong duda Silong sa iyak at pagluluksa
[Verse 2] Kung puso ko ay imamapa Ikaw ang dulo, gitna't simula Nahanap din kita Nahanap din kita, ohh
[Chorus] Maligaw man at mawala At umikot man sa kawalan Sa bawat kailan, sino't saan Ikaw lamang ang kasagutan Bawat kanan at kaliwa Kung timog man o hilaga Ang bawat daan ko Ay patungo, pabalik sa'yo
[Verse 3] Kay tagal ng lumulutang Walang pupuntahan, walang dahilan Parang ulap na, walang dalang ulan Kamang walang kumot at unan
[Verse 4] Bihag ako ng pagtataka May saysay ba ang paglalakbay ngunit Nahanap din kita Nahanap kita, ohh
[Chorus] Maligaw man at mawala At umikot man sa kawalan Dahil sa bawat kailan, sino't saan Ikaw lamang ang kasagutan Bawat kanan at kaliwa Kung timog man o hilaga Ang bawat daan ko Ay patungo, ay pabalik Sa'yo, hoh-woah-hoh Sa iyo, ohh Nagbabalik sa'yo Ooh-woah, ooh-woah
[Outro] Kung ang puso ko ay imamapa Ikaw ang dulo, ang gitna't simula (Oh-woah-hoh) Ikaw IkawTeksty umieszczone na naszej stronie są własnością wytwórni, wykonawców, osób mających do nich prawa.