Itulak ang pinto, papasok sa sayawan Sa gabing ito'y may isang inaasahang Makasayaw at makapiling hanggang kinabukasan
Mabubuo ang alaala, mapapaso ang kaluluwa Basang basa ng pawis dahil sa arsonista kong mata Magliliyab kapag ako'y lumapit ng tuluyan
Sunugin natin ang ating mga paa Dagitab ng bawat padyak ay nadarama Sunugin natin ang ating mga paa Dagitab ng bawat padyak ay nadarama
Tinulak ang pinto ng ilang kaibigan May kumalat sa loob, lahat ay nagsitakbuhan Isang daan kaming lumalayo mula sa kamatayan
Mabubura ang alaala, mapapaso ang kaluluwa Basang basa ng pawis ang nakita ng aking mata Naging abo ang ating buhay at pag-ibigan
Sunog ang katawan ulo hanggang paa Dagitab ng bawat isa ay nadarama Sunog ang katawan, ulo hanggang paa Dagitab ng bawat isa ay nadarama
Sunugin natin ang ating mga paa Dagitab ng bawat padyak ay nadarama Sunugin natin ang ating mga paa Dagitab ng bawat padyak ay nadarama
Itulak ang pinto Itulak ang pinto Itulak ang pinto Itulak ang pinto Itulak ang pinto Itulak ang pintoTeksty umieszczone na naszej stronie są własnością wytwórni, wykonawców, osób mających do nich prawa.