Nais kong maihip ng hanging walang patutung'han Parang ibong wala ring hangarin kundi ang lumipad nang lumipad Nais kong lumipad
Nais ko ring maagos ng alon saan man mapadpad Kahit na isdang mumuntiin, hangari'y lumangoy nang lumangoy Nais kong lumangoy
Nais kong malibot ang mundo sa kanyang kasuluk-sulukan Nais kong makita ang paligid kong puno ng kagandahan Nais kong makadama ng kakaibang damdamin kahit minsan man lang Habang ako ay may buhay, wala nang hangarin pang tunay Nais ko... nais ko...
Nais kong maulit ang buhay kung may pagkakataon Upang mamalas ang mga bagay-bagay na 'di ko natanto sa aking buhay Nais kong maulit pa, ulit-ulitin pa ang buhay ko
Nais kong maihip ng hanging walang patutung'han Parang ibong wala ring hangarin kundi ang lumipad nang lumipad Nais kong lumipad
Nais kong malibot ang mundo sa kanyang kasuluk-sulukan Nais kong makita ang paligid kong puno ng kagandahan Nais kong makadama ng kakaibang damdamin kahit minsan man lang Habang ako ay may buhay, wala nang hangarin pang tunay Nais ko... nais ko...
Nais kong maulit ang buhay kung may pagkakataon Upang mamalas ang mga bagay-bagay na 'di ko natanto sa aking buhay Nais kong maulit pa, ulit-ulitin pa ang buhay ko
(Nais ko...) Nais kong mabuhay muli (Nais ko...) Nais kong maulit muli Ulitin muli, ulitin muli Paulit-ulit-ulit muli (Nais ko, nais ko...) Paulit-ulit-ulit muli (Nais ko, nais ko...) Paulit-ulit-ulit muli (Nais ko, nais ko...) Ito ang nais ko...Teksty umieszczone na naszej stronie są własnością wytwórni, wykonawców, osób mających do nich prawa.