Sa wakas, nahanap din kita Ilang taon narin akong paikotikot sa bakurang ito Nabaligtad ko na ang lahat ng mga bato Nahawi ko na ang bawat piraso ng damo Hinalughog ko na ang langit at lupa para sa nawawalang kapiraso ng aking dibdib Ang buto Na kukumpleto sa balangkas ng imahe ng pagibig Sa panaginip, sinundan ko ang mga iniwan mong bakas At sa pagbukas ng aking mga mata Sa wakas nahanap din kita Totoo pala yung mga kwento nila Naalala ko sabi nila sakin, kapag natagpuan mo na daw ang hinahanap mo At bumaligtad ang iyong sikmura Nanghina ang mga tuhod mo Bumilis ng tibok ang puso mo At hindi mo mapigilan ang nginig sa iyong mga kamay Nagkakamali ka Hindi siya ang hinahanap mo Dahil kapag nahanap mo na daw tinadhana sayo ng kalawakan Sabi nila Kasabay mong matatagpuan ang kapayapaan Ang lubag ng loob Ang kalma Na parang bago pa magtagpo ang ating mga katawan Matagal na itong pinlano ng ating mga kaluluwa Na minsan, hindi tayo magkasya sa isang dibdib Kaya't pinaghiwalay tayo ng may likha Para balang araw kapag naikot ko na ng sapat na beses Ang mga pader sa pagitan nating dalawa Ang mga ito ay tutumba At sa wakas, kapag humupa na ang sigwa Matatagpuan din kita At natagpuan nga kita Sana hindi ako nagkamali Dahil minsan na akong naging bala ng tirador Na hinawakan ng mahigpit At hinatak papalapit Para lamang bitiwan at palayain Iwang lumilipad sa hangin Hindi ko alam kung saan ako babagsak Pero dinala ako ng tadhana sa bakurang ito At naniniwala akong lahat ng bagay ay may dahilan Dahil naniniwala ako sa Kanya Sa may hawak ng tirador na pumuksa Ng mga higante sa aking dibdib Noong mga panahong wala pang lakas ang aking mga bisig Pero ngayon, masasabi kong handa na ako Handa na akong muling sumugal Handa na akong muling magmahal Handa na akong lumabas sa aking bangka Kahit ilang beses na akong nagtangka at lumubog At nalunod sa kasinungalingan na ang pag-asa Ay isang pantasya na binubulag ako sa katotohanan Alam kong ang katotohanang andito ka ngayon Sa aking harapan ay hindi ko kagagawan Pero sa wakas nahanap din kita Dahil, ngayon handa na ako At ang tanging panalangin na isinisigaw ko sa hangin Ay sana ikaw rin Handa ka na ba?Teksty umieszczone na naszej stronie są własnością wytwórni, wykonawców, osób mających do nich prawa.