[Verse 1] 'Di ko man magawang maipagmalaki Ang pinagmulan at aking narating May isang biyayang nagmula sa bituin 'Di mapapantayan ng anumang hangarin
[Pre-Chorus] Lahat ng makakaya ay sa'yo ibibigay At lahat ng kakayanin pa, sa'yo iaalay
[Chorus] Ikaw ang aking tala sa gabing madilim Ikaw ang bawat sana sa lahat ng hiling Sa hirap man o sa saya, ay tunay na ikaw pa rin Sagot sa aking dalangin
[Verse 2] Ang 'yong kamay sa 'kin ay nagbigay kahulugan Lumalaban ako upang ika'y gabayan
[Pre-Chorus] Lahat ng makakaya ay sa'yo ibibigay At lahat ng kakayanin pa, sa'yo iaalay
[Chorus] Ikaw ang aking tala sa gabing madilim Ikaw ang bawat sana sa lahat ng hiling Sa hirap man o sa saya, ay tunay na ikaw pa rin Sagot sa aking dalangin
[Bridge] Pangakong habang buhay ay hindi pakakawalan Nandito lang ako habang ika'y nariyan
[Chorus] Ikaw ang aking tala sa gabing madilim Ikaw ang bawat sana sa lahat ng hiling Sa hirap man o sa saya, ay tunay na ikaw pa rin Sagot sa aking dalanginTeksty umieszczone na naszej stronie są własnością wytwórni, wykonawców, osób mających do nich prawa.