[Verse 1] Sino ba ang unang magsasabi Na hindi na tayo tulad ng dati? Napipilitan na nga ba tayo? Dahan-dahang nadarama ating paglayo, ooh 'Di ba oras na mulatin ang mata Aminin ang tunay na nararamdaman? 'Wag sana nating hintayin na maubos ang isa't isa Wala nang maibibigay pa
[Chorus] Minahal kita, minahal mo ako Ngunit tadhana ay sadyang nagbago Kumakapit na lang ba sa alaala No'ng panahon na tayo'y masaya? Baka mabuti pang ngayon pa lang Ako na ang magpapaalam Para sa'yo, ako na lang ang bibitaw Ako na lang ang bibitaw
[Verse 2] Paulit-ulit na mga alitan Masasakit na salita, ngayo'y 'di maiwasan Hanggang kailan ba magtitiis? Napapagod na sa kakaisip 'Di ba oras na tanggapin na Hanggang dito na lang tayo? 'Wag nang patagalin
[Chorus] Minahal kita, minahal mo ako Ngunit tadhana ay sadyang nagbago Kumakapit na lang ba sa alaala No'ng panahon na tayo'y masaya? Baka mabuti pang ngayon pa lang Ako na ang magpapaalam Para sa'yo, ako na lang ang bibitaw Minahal kita, minahal mo ako Ngunit tadhana ay sadyang nagbago Kumakapit na lang ba sa alaala No'ng panahon na tayo'y masaya? Baka mabuti pang ngayon pa lang Ako na ang magpapaalam Para sa'yo, ako na lang ang bibitawTeksty umieszczone na naszej stronie są własnością wytwórni, wykonawców, osób mających do nich prawa.