Sa bawat gabi na wala kana sa aking tabi Napagtanto ko nang di na mabalik Ang pananabik
Na dati'y tila di na mag mamaliw
Di mo ba, ramdam ang hapdi? Na dinulot ng luha at pagka sawi Nitong damdamin na nag laho Sa masalimuot nating daigdig
Para bang nagalit ang pagkakataon Sa atin na ang tanging hangad lamang Ay umibig
Ikaw ang tanging mahal Di ko inakalang di magtatagal Noo'y umasang walang iwanan Ngayo'y di na kaya pang panindigan Ang mga salitang binitawan Paano nang pagmamahalan? Ito na nga ba ang ating hantungan?
Ipinikit ang mga mata Upang di na masaksihan pa Ang iyong mga hakbang Na unti unting naglayo sa atin
Para bang nagalit ang pagkakataon Sa atin na ang tanging hangad lamang Ay umibig
Ikaw ang tanging mahal Di ko inakalang di magtatagal Noo'y umasang walang iwanan Ngayo'y di na kaya pang panindigan Ang mga salitang binitawan Paano nang pagmamahalan? Ito na nga ba ang ating hantungan?
Paalam Ika'y di malilimutan KailanmanTeksty umieszczone na naszej stronie są własnością wytwórni, wykonawców, osób mających do nich prawa.