Oh aking sinta pasensya ka na Kung ang makapiling ka ay hindi ko magawa Hawak-hawak lagi ay larawan ng iyong mukha Napakahirap ang bumuhat ng lungkot na malubha Sa tuwing may okasyon ay wala ako palagi Kay dami ng taon ang kailangan kong mabawi Nagdaang mga Pasko bagong taon at araw Ng mga pusong hindi kita makuhang madalaw At maabutan man lang ng paborito mong bulaklak 'Pag kausap ka'y hindi ko mapigilang maiyak Sa mundong 'di sigurado isa lamang ang tiyak Mag-isa ka lang nang isinilang mo'ng ating anak Nangungulila hanggang sa tumila ang ulan Mga sana na mahirap nang bilangin kung ilan Sa pagkain sa labas ay 'di kita masabayan At sa paglubog ng araw 'di kita matabihan Kahit saan man mapadpad Sa 'yo pa rin ako babalik giliw Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita Sa halimuyak ng 'yong… Anak kaarawan mo na ulit 'Wag mong kalimutang suutin ang bago mong damit Tandaan mo lagi kahit 'di tayo magkalapit Naaalala ka ni Tatay tuwing ako'y pumipikit Patawarin mo ako anak kung hindi kita Masamahang magpalipad ng gawa mong saranggola O lumangoy sa batis na katulad ng iba At mapunasan ka ng pawis kapag nagbibisikleta Magbutones ng uniporme mo sa unang araw Ng pasok sa eskwela puso ko'y nag-uumapaw Sa tuwa dahil gan'yang gan'yan ako noon Ngunit agad napapaluha 'pag ika'y nagtatanong Kailan ka uuwi sa 'kin ay binubulong Sagot na bukas na anak ay palaging nakakulong Sa pagtakbo'y madadapa minsan ay masasaktan Pero sugat mo sa tuhod hindi ko mahalikan Kahit saan man mapadpad Sa 'yo pa rin ako babalik giliw Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita Sa halimuyak ng 'yong… Dumating na'ng araw na aking pinakahihintay Malapit nang magsimula ang aking paglalakbay Pabalik sa 'king pamilya kahit napakalayo Mula sa lugar na para kumita ay dinayo Lahat ng pasalubong ko ay nasa kahon na Tsokolate at laruan pati sabong panlaba Eroplano'y lumapag na ako lamang mag-isa Ang babiyahe pauwi para masorpresa sila Kaso nang sumakay ako ng taxi ay para bang tila iba Ang tingin sa 'kin ng mama na sa manibela malayo akong dinala No'ng tanungin ko teka muna pare ay bigla na lamang s'yang natawa Nag-iba'ng aking kaba teka bakit may pumasok pa na dalawa Hanggang hinawakan ako sa balikat ng isa na may tangan na patalim Pilit inaagaw ang dala kong bag na pinakatatago ko nang palihim Dahil ang laman nito ay ang lahat ng mga araw na ako'y nakatingin Sa bituin kahit madilim pero bakit sa dulo ako pa rin kahit ano'ng gawin Kahit saan man mapadpad Sa 'yo pa rin ako babalik babalik giliw Sa halimuyak sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita sampaguita Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita La la la la la oh Sa halimuyak ng 'yong (sampaguita)Teksty umieszczone na naszej stronie są własnością wytwórni, wykonawców, osób mających do nich prawa.