Verse 1 Kung ako lang ang papipiliin Kung ibabalik ba ang kamay ng oras O lilipad sa hangin upang silipin ang aking hinaharap ‘Di magdadalawang isip Gusto kong makausap ang sarili, hmm hmm
Pre-Chorus Pero hanggang kailan ako mahihirapan? Ano kung walang kasiguraduhan?
Chorus Ah basta gusto ko lang namang magpalutang-lutang Magpatangay sa banayad na ihip ng hangin Nakakapagod ang puro pangangamba, ah ah Kailangan ko yatang matutong huminga, ah ah
Verse 2 Simula sa'king pagkabata palaging ginigipit ang sarili Nakalimutan kong magpakasaya, ah ah
Pre-Chorus Pero hanggang kailan ako mahihirapan? Ano kung walang kasiguraduhan?
Chorus Ah basta gusto ko lang namang magpalutang-lutang Magpatangay sa banayad na ihip ng hangin Nakakapagod ang puro pangangamba, ah ah Kailangan ko yatang matutong huminga, ah ah
Outro Ano naman kung walang kasiguraduhan? Ano naman kung walang kasiguraduhan? Ano naman? (Ano naman kung walang kasiguraduhan?) Ano naman? (Ano naman kung walang kasiguraduhan?) Ano naman? Ayos lang, ayos lang naman (Ano naman kung walang kasiguraduhan?) Ayos lang naman (Ano naman kung walang kasiguraduhan?) Ayos lang namanTeksty umieszczone na naszej stronie są własnością wytwórni, wykonawców, osób mających do nich prawa.