Ako ang pagtakas sa bangungot ng iyong reyalidad/ Ako ang pagtakas sa iyong gutom, problema, at kakapusan/ Suyurin ang kongkretong ahas nitog usok at alikabok/ Halika’t tahakin ang landas ng grasa at pagkawala/ Ako ang iyong bagong bangungot, ang bago mong reyalidad!
Halika’t pasukin ang mga mata nitong taong binababad sa grasa at nasaan/ ang mga mata nito’t siya ay nakatawa gayong siya ay lumuluha’t umaangil sa galit?/
Ako ang pagtakas sa bangungot ng iyong reyalidad/ Ako ang pagtakas sa iyong gutom, problema, at kakapusan/ Suyurin ang kongkretong ahas nitong usok at alikabok/ Halika’t tahakin ang landas ng grasa at pagkawala/ Ako ang iyong bagong bangungot, ang bago mong reyalidad!Teksty umieszczone na naszej stronie są własnością wytwórni, wykonawców, osób mających do nich prawa.