Sinusuyod ni Theresa ang kahabaan nitong kalsada,/ nakayapak/ Kumakatok ang sikmura niyang kumakalam/ Naghihintay sa iaabot ng bawat may kamay/
Lutang ang mga mata’t ‘di makausap itong si Magda / Balisa/ Sapat nga bang rason ang gutom at kahirapan?/ Sa desisyong pagkagat sa alok ng matandang dayuhan/
Nakahain/ ang kanyang murang gulang at katawan sa palitan ng puri at pera/ Lumuluha ang gabi/ Anong bangungot itong kanyang sinuong?/
Tulala’t nakaturo sa wala sila Jaime at Marko/ Lango sa supot ng lason nilang bitbit/ Babagsak ang araw!/ Bumabagsak ang mga utak nilang tinutunaw/
Tumatakbo si Lazaro, siya’y hinahabol/ Tumatawa’t kinakabahan/ Tangan ang pinaka-iingatan niyang nakaw/ Nakaw na magtatawid sa kanilang gutom/
Gutom? o isa nang ganap na sakit? Isang ganap na adiksyon?/ Aabutin pa nga ba ang edad na disi otso?/ hahandusay nang duguan o nang dilat ang mga mata/
Biglang huminto at muling ginimbal ang mundo ni Lazaro/ Nanlambot at bumagsak, mga tuhod niya’y humalik sa semento/ Ang sa kanya’y tumambad, panibagong bangungot sa kanya’y dumagdag/ Mga sugat muling nanariwa, epekto ng lason nito’y lalo pang lumala/ Galit, pighati, at pagtataka sa mga mata’y nakapinta/ “tangina! Bakit?Kailan ako gigising sa bangungot na ito?”/ Ang siya ring tanong nitong si Theresang humagulgol/ Ang siya ring tanong nila Jaime at Markong biglang natauhan/ Si Magda na kapatid sa kalyeng tinuring nilang Ina/ Nakahundusay, walang saplot, wala nang buhay, wala nang bukas/ Teksty umieszczone na naszej stronie są własnością wytwórni, wykonawców, osób mających do nich prawa. |
|