Tawagin ang pansin nitong ating mga tampok/ Silang mga nakabihis elegante at kaybabango/ Silang mga namumuno't nauupo sa ibabaw ng lipunang ating kinabibilangan/ Silang mga nakatawa't napupuno ang kanilang mga bunganga't mga tiyang nagsisipaglakihan/
Punet at tuyo na ang mga lalamunan ng mga dumadaing/ Habang sila'y lasing sa mga ubas na dapat sana'y ating subo/ Sa mga prutas ng korapsyon/ Samantalang sa atin ay ang latak ng sariling nating mga pawis at dugo/
Halika't tawagin ang pansin nitong ating mga tampok/ Silang mga nagsisipagtabaang garapatang walang sawa’t walang pagkabusog/
Habang nagsisipagngamatay sa gutom at kahirapan ang mga kapos at walang laban/ Silang patuloy na ninanakawan at inaabuso ang kanilang kahinaan at kamangmangan/ Pagmasdan mong maulol at manakmal silang mga nasa hukay ng desperasyon/ Habang patuloy ang pagnanakaw sa kabang ating inaasahan/
Hanggang kailan sisigaw ang mga kapos na nakararami? O kailan magsisipagdilat ang mga nagsisipagsayawang mga bulag? Kailan matatauhan ang mga hindi makatao? Kailan mananawa ang mga gahaman’t mga buwakaw? Kailan maaawa, o mga walang awa? Kailan gigising ang natutulog nating katinuan?
Tawagin ang pansin nitong ating mga tampok/ Nating mga sarili't mga tiyan nating tampok/Teksty umieszczone na naszej stronie są własnością wytwórni, wykonawców, osób mających do nich prawa.