D/Dalisay/Ang Libing na naipundar ni Jetro R. Soler
Bakit di man lamang nga ba umulan?/ o ni umambon man lang at nang masabi natin sa'ting mga sariling nagtatanong/ na Oo at may luhang pumatak bukod sa mga luhang nanggaling sa mga mata nitong inulila/ sa mga mata nitong nagluluksa sa pagpanaw nitong kaawa-awang matanda/ na Oo at nakikiramay ang langit kasama ng anim na itong piniling dumalo/ ng anim na empleyado ng establisyamentong labintatlong taon niyang pinagsilbihan/
Labintatlong taon ng pag-iis-is ng nanlilimahid at namamanghing palikuran/ ng paglalampaso at pagwawalis na siyang magtatawid sa araw- araw/ Labintatlong taong ginugol,inubos, sinunog sa pagtitiis, namuhay nang walang buhay/
at bakit 'ni hindi man lamang nga ba umulan? sa halip/ ay/ nakakabalisang init ng tirik na araw, abala at walang pakialam/ tanging ingay, walang punebre, walang musika ng pagluluksa/ wala tayong magagawa/ ito lang ang halaga na kinaya ng kanyang pinundar/
paano na si Magda?/ ngayong wala na ang taong kumupkop sa ulilang hindi pinanindigan/ ng kanyang tunay na ama at ina./ wala tayong magagawa/ ang halaga ng gamot at pagkabuhay nitong matanda'y higit pa sa kanyang naipundar/
teka../ hindi kaya../ ako'y nakatingin../ sa aking.../ sariling.../ Libing!?!/
limampu,tatlumpu, o ilangpung taon makalipas/ mamamatay rin ba akong hikahos at wala?/ ng abo sa abo't alabok sa alabok at wala nang iba/ at hanggang sa huli'y nasa ibaba ng inyong mga mata/ katulad ba niya'y uubo rin ako ng dugo?/ lalayuan at pandidirihan hanggang sa pagkamatay/ at hanggang sa huli'y hindi man lang binisita/ ng kanyang mag-inang nawala na parang bula/ ng pagtakas sa buhay probinsya't asawang palamunin/ sa asawang nilamon ng bisyo at katamaran/ ako ang siyang lumikha ng aking ikapipighati/ ako ang siyang may-akda ng aking sariling libing./Teksty umieszczone na naszej stronie są własnością wytwórni, wykonawców, osób mających do nich prawa.