[Intro: Janine Teñoso & Gian Bernardino] Dahan-dahan lang Sa gitna man ng daan
[Verse 1: Raphaell Ridao, Gian Bernardino] Mga saglit na inilikha, kakaiba ang tama Ng sinag sa'yong kutis na kayumanggi Oh, sa'n ba 'ko dinadala? Bawat ngiting biglaang nabura iyong naipinta Hiwaga ng 'yong tingin nang-aalipin Kahit sa'n man madala
[Chorus: Raphaell Ridao, Gian Bernardino] 'Di pinapansin, ingay sa tabi Magulong kapaligiran Sa'yo lang ang tingin 'Di pinapansin, ika'y paiikutin Nang dahan-dahan lang Sa gitna man ng daan
[Verse 2: Janine Teñoso, Gian Bernardino & Raphaell Ridao] Sa bawat sandaling ikaw ay pinagmamasdan May dumadapong kiliti na 'di maunawaan Walang imik, 'di mabanggit Nasa aking isip ikaw lang ang nagmamarka Kahit mabitin aking salita, mata'y ibinubunyag na Sa'yo lang magpapaangkin, 'di palalampasin 'Wag ka sanang kumawala ('Di mawawala)
[Chorus: Janine Teñoso] 'Di pinapansin, ingay sa tabi Magulong kapaligiran Sa'yo lang ang tingin 'Di pinapansin, ako'y paiikutin Nang dahan-dahan lang Sa gitna man ng daan
[Bridge: Raphaell Ridao, Gian Bernardino, Janine Teñoso & Gian Bernardino] 'Di man alam ang darating Sa dulo at sa gitna ng dilim Sa liwanag mo nakatingin Sa'yo nakatingin, sa'yo lang ang tingin 'Di man alam ang darating Sa dulo at sa gitna ng dilim Sa liwanag mo nakatingin Sa'yo nakatingin, sa'yo lang ang tingin
[Chorus: Raphaell Ridao, Gian Bernardino & Janine Teñoso, Gian Bernardino, Janine Teñoso, *All*] 'Di pinapansin, ingay sa tabi Magulong kapaligiran Sa'yo lang ang tingin 'Di pinapansin, ika'y paiikutin Nang dahan-dahan lang (Dahan lang) Sa gitna man ng daan ('Di pinapansin) 'Di pinapansin, (Ingay sa tabi) ingay sa tabi (Magulong kapaligiran) Magulong kapaligiran (Sa'yo lang ang tingin) Sa'yo lang ang tingin ('Di pinapansin) 'Di pinapansin, (Ika'y paiikutin) ika'y paiikutin (Nang dahan-dahan) Nang dahan-dahan lang *Sa gitna man ng daan*Teksty umieszczone na naszej stronie są własnością wytwórni, wykonawców, osób mających do nich prawa.