Humingang malalim, pumikit na muna At baka sakaling namamalikmata lang Ba't nababahala? 'Di ba't ako'y mag-isa? Kala ko'y payapa, boses mo'y tumatawag pa
Binaon naman na ang lahat Tinakpan naman na 'king sugat Ngunit ba't ba andito pa rin? Hirap na 'kong intindihin
Tanging panalangin, lubayan na sana Dahil sa bawat tingin, mukha mo'y nakikita Kahit sa'n man mapunta ay Anino mo'y kumakapit sa'king kamay Ako ay dahan-dahang nililibing nang buhay pa
Hindi na makalaya, dinadalaw mo 'ko bawat gabi Wala mang nakikita, haplos mo'y ramdam pa rin sa dilim Hindi na na-nanaginip, hindi na ma-makagising Pasindi na ng ilaw Minumulto na 'ko ng damdamin ko, ng damdamin ko
Hindi mo ba ako lilisanin? Hindi pa ba sapat pagpapahirap sa 'kin? (Ng damdamin ko) Hindi na ba ma-mamayapa? Hindi na ba ma-mamayapa?
Hindi na makalaya, dinadalaw mo 'ko bawat gabi Wala mang nakikita, haplos mo'y ramdam pa rin sa dilim Hindi na na-nanaginip, hindi na ma-makagising Pasindi na ng ilaw Minumulto na 'ko ng damdamin ko, ng damdamin ko
(Makalaya) Hindi mo ba ako lilisanin? (Dinadalaw mo 'ko bawat gabi) Hindi pa ba sapat pagpapahirap sa 'kin (Wala mang nakikita) Hindi na ba ma-mamayapa? (Haplos mo'y ramdam pa rin sa dilim) Hindi na ba ma-mamayapa?Teksty umieszczone na naszej stronie są własnością wytwórni, wykonawców, osób mających do nich prawa.