[Verse 1] At muling babalik sa tinutuluyan kong maliit na sigpit Kung saan walang hanggan ang pagtulo ng luha mula kisame At basa, walang sawa ang kaingayan ng mga paniki Sila lang ang nakakaalam ng lahat ng sakit at pighati
[Chorus] Ngunit narinig muli ang 'yong musika Pa'no bang 'di lumapit kung nand'yan ka na? Pagod na sa mga sabit, puso ko'y isasara At kahit anong kalabit ay 'di kita papansinin
[Verse 2] Na naman, 'di alam ano bang mangyayari sa'king hinliliit? Buhat niya ang pangako na aking ginawa Na kailanman 'di ako mawawalay sa'yo Sa biglaang pagtago na magbibigay daan sa aking paglaho Nasabi ko naman, pagpasensyahan mo lang Na ito ang aking nakasanayan
[Chorus] Ngunit 'di mo tinigil ang 'yong musika Sinubukan mo pa ring tanungin kung, "Pwede bang Muli kong kausapin ka tungkol sa'ting dalawa?" Mga pangakong kay dali lang nalimutan
[Bridge] Sa ating huling usapan, sinadyang magkaaminan At 'di ko inaasahang nagawang harap-harapan Sabi mo mayro'ng saysay ang ating munting salaysay Ngunit 'di naagapan ng oras, nangyari na ang lahat
[Chorus] At nang marinig muli ang 'yong musika Parang 'di ko na kayang magpaalam pa Sabi nga ni Bathala, 'di ngayon ang 'tinakda Balang araw ay sana maiisayaw kita
[Outro] Bam, ba-ram, ba-ram, ba-ram, ba-ram Bam, ba-ram, ba-ra-ra-bamTeksty umieszczone na naszej stronie są własnością wytwórni, wykonawców, osób mających do nich prawa.