[Verse 1] Ika'y aking anaki Nagkalabuan sa pagkinang ng dagat at kislap ng buwan Bawat isa'y magkakalahati Nasa atin na ang marahuyong balse ng gabi
[Pre-Chorus] Siguro balewala ang lahat ng sikretong binulong mo sa akin sa gitna ng dilim Siguro mas nais mo ang liwanag ng nakakasunog niyang piling
[Chorus] Pakiusap na lang walang manghihinayang Dahil siya ang 'yong pinili Sa'king panaginip ikaw ang nasa isip Gusto ko nang magising
[Verse 2] Ba't 'di mo nabanggit? (Nabanggit) Mahal mo na ang siya na dumarating at aalis nang bigla 'Di na lalayo sa bukang-liwayway (Liwayway) Na 'di marunong magpaalam at agad mawawalay
[Pre-Chorus] Tayo ang tanging tahanan ngunit bakit mo napag-isipang magbakasakali? Kasalungat ba ang magbubuo at maghihilom ng pusong may kahati?
[Chorus] Pakiusap na lang walang manghihinayang Dahil siya ang 'yong pinili Sa'king panaginip ikaw ang nasa isip Gusto ko nang magising
[Bridge] Bakit parang paulit-ulit lang na kay dali-dali kong palitan Kung kelan ko napag-isipang magpakalakas-loob ay bigla lang bibitawan O, sinta, masisisi ba kita kung mas mahal mo ang siyang 'di mo kilala? O, Abad, masisisi ba kita kung 'yon din ang aking ginagawa?
[Outro] Pakiusap mo na ako ang nararapat Ngunit 'di mo napansin ang ating tadhana 'Di mo masisisi ang nais kong pag-alis Na para bang pamahiinTeksty umieszczone na naszej stronie są własnością wytwórni, wykonawców, osób mających do nich prawa.