[Verse 1] Kay ganda ng iyong ngiti 'Yan ang sabi niya sa'kin ng makilala ka niya (Ooh-ooh-ooh) Nagsimula sa pabiro na bigla ring nagkatotoo Wala akong magawa kundi ang manood Na para bang pelikula na 'di ko inasahan
[Pre-Chorus] 'Di naririnig ng bida aking mga banat 'Di rin nagtagal ng kayo'y nagkasiraan Wala kang kasalanan
[Chorus] Oh Dahlia, daldalan na naman ang ganap 'Wag nang makinig sa sinasabi ng iba Oh Dahlia Oh, pa'no malimot ang dating alaala? 'Di ko nakita ang iyong mga sugat 'Di man lang nakinig at nabingi
[Verse 2] 'Di naman daw totoo ang mga pinangako sa iyo Kung 'di mo lang siya nakapiling Ako na lang daw sana pipiliin Oo, minahal natin Nabulok sa kanyang pag-ibig
[Pre-Chorus] Dalawa pala tayong pinaglaruan Kaya naman tayo ay nagsisisihan Wala kang kasalanan (Wala kang kasalanan)
[Chorus] Oh Dahlia, daldalan na naman ang ganap 'Wag nang makinig sa sinasabi ng iba Oh Dahlia Oh, pa'no malimot ang dating alaala? 'Di ko nakita ang iyong mga sugat 'Di man lang nakinig at nabingi
[Bridge] 'Sing ganda ng boses ko ang iyong mga mata Kahit anong tingin niya sa akin, ikaw ang nakikita 'Sing tamis ng pagtingin mo ang aking pagkanta Kahit anong tingin niya sa'yo ay ako ang nakikita Ooh-ooh, ooh-ooh
[Outro] O ang sakit, paumanhin na lang Dahlia, 'di natin sinadyang masaktan Tayo'y bata pa noon At 'di natin alam ganito pala Ang dinulot ng pag-ibig niya Iwanan ang sakit at kalimutan natin siyaTeksty umieszczone na naszej stronie są własnością wytwórni, wykonawców, osób mających do nich prawa.