Gumising ng maaga Nilagayan mo na ng sobrang Oras ang pagbyahe para di na mahuli Hindi na maipit sa mga nag mamadali
Pagdating ng opisina hinihingal parin Tatlong oras nilaan mo lang sa daan Para bang may pasan na krus At pakiramdam mo ay tatamaan
Ng sakit
Kayod ka ng kayod para ba saan? Nauubos lang naman sa mga bisyo At luhong di ka sasamahan Ni minsan ba naisip mong mag dahan dahan? O pag isipan? Ano ba talaga ang patutunguhan Ng lahat ng to para bang isang malaking pag tatanghal
At ako ang payaso sa gitna ng entablado Pinapanood ng mundo Ang buhay kong bumubulusok pa impyerno
Unti-unting natutunaw ang kaluluwa Walang sasalba, walang sasalba
Sabi nila madaling mag bago pero parang hindi Nakikita ko parin Ang sarili kong naka piring Sa realidad napapailing Ano ba ang sagot sa aking hinaing?
Gusto ko lang naman tumakas
Nalulunod sa gawain, nauuhaw sa hangarin Ang ginhawa at saya, kailan ba mapapasakin Namumuhay pa ba para sa sariling pangarap? Kabuhayan nalang ba na tuparin ang sa iba? Padadala nalamang ba sa agos ng nakasanayan? Babangon, di aahon sapat na bang magsikap lamang?
Kumakayod sa wala nakagapos di makawala Parang presong may parusang kamatayan Nagbibilang ng oras, nag hgihintay ng bukas Tinitiis, walang katuturang laban Kung sino-sinong sinasagasaan Nag-papabango ng pangalan Para sa perang di mo naman madadala sa Iyong hantungan
Nag-hihilahan, humahalik sa paa ng dayuhan Hinahayaan ang kasinungalingan Nag bubulagan sa katotohanan Pina-paikot ang sarili, nag-lolokohan Lahat ba ito may patutunguhan? May patutunguhan, may patutunguhan
Nalulunod sa gawain, nauuhaw sa hangarin Ang ginhawa at saya, kailan ba mapapasakin Namumuhay pa ba para sa sariling pangarap? Kabuhayan nalang ba na tuparin ang sa iba? Padadala nalamang ba sa agos ng nakasanayan? Babangon, di aahon sapat na bang magsikap lamang? Teksty umieszczone na naszej stronie są własnością wytwórni, wykonawców, osób mających do nich prawa. |
|