[Verse 1: Stacey] Minsan ay nahuhuli Ang sarili na nag-aalala, ah Mga bagay na 'di kontrolado pinoproblema Pero teka lang
[Pre-Chorus: Jhoanna] Meron bang humahabol sa'yo? (Oh-oh, ooh-woah, oh-oh, ooh-woah) 'Di naman dapat matulin ang pagtakbo, ooh-woah, ooh-woah, oh
[Chorus: Gwen, Colet] Sino bang nagsabi na kailangan kong mauna? Hindi naman ito karera, pwedeng magdahan-dahan Sa bawat panibagong umaga Ang pagsimula muli ay isang tagumpay na
[Verse 2: Aiah] Minsan ay nalilimutang huminga sandali Magpahinga lang saglit (Oh-oh, oh-oh, oh-oh) At 'di kailangang magmadali para magwagi Pwedeng unti-unti
[Chorus: Maloi, Jhoanna] Sino bang nagsabi na kailangan kong mauna? Hindi naman ito karera, pwedeng magdahan-dahan Sa bawat panibagong umaga Ang pagsimula muli ay isang tagumpay na
[Refrain: Aiah, Mikha & Stacey, Gwen & Sheena, Colet, *Maloi*] Walang masyadong mabagal, walang mabilis Sa pagtakbo ng buhay, hindi ka mimintis Hingang malalim lang at tandaan Ika'y may hawak ng iyong hakbang Walang masyadong mabagal, walang mabilis (Oh) Sa pagtakbo ng buhay, hindi ka mimintis (Oh) Hingang malalim lang at tandaan (Oh) Ika'y may hawak ng iyong hakbang (Buhay ay 'di karera) Walang masyadong mabagal, walang mabilis (Oh, oh) Sa pagtakbo ng buhay, hindi ka mimintis (*'Wag mag-alala*) Hingang malalim lang at tandaan Ika'y may hawak ng iyong hakbang (*Yeah, yeah*)
[Outro: All, Jhoanna] Walang masyadong mabagal, walang mabilis (Ooh, ooh) Sa pagtakbo ng buhay, hindi ka mimintis Dahan-dahan lang Hingang malalim lang at tandaan Ika'y may hawak ng iyong hakbang Buhay ay 'di kareraTeksty umieszczone na naszej stronie są własnością wytwórni, wykonawców, osób mających do nich prawa.