Minsan pa nating hagkan ang ating nakaraan at ang kahapong saya'y bigyan daan mapananariwa pa nating muli
ang pag-ibig kahi't na ngayo'y mali.
Minsan pa nating buksan, nakapinid nang pinto muli kong hahaplusin ang 'yong puso at subukan natin kung may mananabik na pagmamahal kahit man lang munti
Nababatid kong kasalanan muli nating pagmamahalan subalit di ko magawang limutin ka sasabihin kong ako ang siyang nagkasala mahal kita, mahal kita.
Minsan pa nating hagkan ang ating nakaraan buhay man ang kapalit ako'y laan dahil ang pag-ibig ko'y di mamamatay sa mundong ito'y wala pang papantay
Nababatid kong kasalanan muli nating pagmamahalan subalit di ko magawang limutin ka sasabihin kong ako ang siyang nagkasala mahal kita, mahal kita.
Minsan pa nating hagkan ang ating nakaraan buhay man ang kapalit ako'y laan ang pag-ibig ko'y buhay kailanpaman at maghihintay sa 'yo kahit saan Minsan pa nating hagkan ang nakaraanTeksty umieszczone na naszej stronie są własnością wytwórni, wykonawców, osób mających do nich prawa.