Kayod-kalabaw na naman Nakakapagod, araw-araw na lang Tagal ng sahod, kumakalam na ang tiyan Lagot sa landlord kaya para-paraan Kamusta na, mga kaibigan, ayos ba tayo dyan? Eto nangangailangan parang kahapon lang Di na bago, ginagago, minamalitrato't minamanipula po tayo ditto sa batibot Na bansa, paraiso pag isang bandido Dito, anito ang ibang maligno Sinu-sino? Lipon ng ilang partido Nino? Sila-silang magkakaapelyido Astig noh? Ako lang ba? O lahat tayo nabobobo? Pinoy nga naman oh halata yung panloloko Ako kamo? Lagay? Pag umoo Sabagay, yan ang gusto ng mga mamboboto Ayoko! Ayoko na kasing isipin (na ano?) Na ako'y isang aliping sagigilid (na gutom) Sa sarili kong lupain binibitin (patiwarik) Ang karapatan ko maging tatlong bituin at isang araw na nagniningning Yan ang hiling Hindi bat sayang? King inang bayan Di ka nila inalagaan Pinabayaan kahit binabayaran Bakit ninanakawan? Kasi hinahayaan natin Pinapayagan, pinapalagpas Media giants medyo biased ang pinapalabas Brainwash! Anak ng tupa Sunud-sunuran parang alagang tuta Puta ng mga sangkot kakadampot ng kararampot Na pampagamot, nakanampot… ambot! Kakalungkot, sarap mag-abroad Yung pook eh sumisikip pa lalo kakakantot… kadyot! Perlas ka nga ba talaga o alahas ng amerika? Kawawang talaga Kaya pwede ba? Magrebelede ng konte Ang gulo sa pinas, paksyet! Penge ng chongke Ala pobre Ayoko na kasing isipin (na ano?) Na ako'y isang aliping sagigilid (na gutom) Sa sarili kong lupain binibitin (patiwarik) Ang karapatan ko maging tatlong bituin at isang araw na nagniningning Yan ang hiling Heto na si Abra, magpapaka-honesto Pukinangina! Nasan na po ba ang progreso? Kung umento, un momento, dokumento At bayad muna para una kang maiproseso Argumento, malakas ang tsina, mangahas ng isla Kung ganto yung takbo sayang gasoline At bukod dun ga-bundok yung nandudukot na Lupang hinirang sa iba't ibang lalawigan Nang di nababalitaan likas na yaman Imbis na alagaan, pinagkakakitaan Di malaman-laman kung bakit Lupain ni malakas at maganda pa talaga ang pumangit Tapon ditto tapon don, trapo dito trapo don Aburidong-aburido, trapik dito trapik don No nga bang solusyon sa traffic na to? Simple lang naman po yon, magjogging kayo Huwag tamad, Juan Tamad itigil ang shabu Itigil nyo na yan habang may ngipin pa kayo Pag palo ang kausap, maaring utuin Bato-bato sa langit nang madaling kontrolin Kompanyero ewan kung mapansin mo Sa nasabing gobyerno, mayaman lang ang umaasenso Pasibang pang-alila nung sinauna pa Sobrang bulok ng sistema dapat ibasura na Palibhasa, puro propaganda Parang SONA, puro papogi't puro paganda Purong elitist, puro rin artista At yun ang punong pamagat ng mga kolumnista Habang mga mangingisda sa sariling dagat pinagtatatakwil At ang mga magsasakang nanlilimos ng bigas pinagbababaril Panay masaker tas talamak pa yung pera Matabil dahil sandamakmak ang pruweba, punyeta! Bitak ang ekonomiya iwan sa teknolohiya Sira ang ekolohiya inay ko po! Madugo ang laban parang dysminoreya Real talk ang ginagamit kong sandata kasabay ng ritmo rima Ano pang reklamo? Edukasyon at medisina Pero mas nakakabanas and disiplina Sa pinas, kaliwa't kanan na ang korapsyon Walang ligtas, pati ba naman mga donasyon Kung meron ang kakapal ng mukha sa tarpaulin Namumulitika pa rin? Sarap lang pakyuhin! Mapagbalatkayong nagtatayo ng imprastraktura Ginigipit, tinitipid, para sa "kickback" amputa Nagkulang sa benipisyo, yun ang alegasyon Kontra sa namemerwisyong kontraktwalisasyon Dami pa, tang-ina, kakaubos pasensya Di lang upuan ang problema, isang buong lamesa Kaya wag sumalalay sa sunod na president Ang dapat magbago ay yung mga residente Wag papeke, magpaka-intelihente Wag pakeme, ugaliing magpakadisente Oo, pang-aabuso'y ating nakasanayan Matuto na po sana tayo sa mga mali ng kasaysayan Wag sayangin ang buhay ng mga bayani Isauli ang lupain sa tunay na nagmamay-ari At kahit barilin ako tuloy ang inspirasyon Pagmamahal sa nasyon na sagad and dedikasyon Kabataan, wag magda-drugs ha? Delikads yon At yung "pwede na yan"? Fuck! Di na pwede ngayon Palaging tandaan hindi ka tulakan Ika'y maharlika dapat dun ka sa unahan Ang mamatay ng dahil sa 'yo? Isang karangalan Subalit mas gusto kong mabuhay upang ika'y alagaan King inang bayan Ayoko na kasing isipin Na ako'y isang aliping sagigilid Sa sarili kong lupain binibitin Ang karapatan ko maging tatlong bituin at isang araw na nagniningning Yan ang hilingTeksty umieszczone na naszej stronie są własnością wytwórni, wykonawców, osób mających do nich prawa.