Bakit kapag tumitingin ka natutunaw ako, Bakit kapag lumalapit ka kumakabog ang puso ko Bakit kapag nandito ka sumasaya araw ko Lahat ng bagay sa mundo parang walang gulo
Bakit kapag nakikita ka parang nasa ulap ako Bakit kapag kausap kita nauutal-utal sayo Bakit kapag nandito ka nababaliw ako Nababaliw sa tuwa ang puso ko
Sa isang sulyap mo ay nabihag ako, para bang himala ang lahat ng ito, Sa isang sulyap mo nabighani ako, nabalot ng pag-asa ang puso, Sa isang sulyap mo nalaman ang totoo, ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay, Sa isang sulyap mo ayos na ako, sa isang sulyap mo, napa-ibig ako
Bakit kapag kasama kita ang mundo ko'y nag-iiba Bakit kapag kapiling kita ang puso ko'y sumusigla Bakit kapag nandito ka problema ko'y nabubura Ikaw ang aking pag-asa at ang tanging ligaya
Sa isang sulyap mo ay nabihag ako, para bang himala ang lahat ng ito, Sa isang sulyap mo nabighani ako, nabalot ng pag-asa ang puso, Sa isang sulyap mo nalaman ang totoo, ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay, Sa isang sulyap mo ayos na ako, sa isang sulyap mo, napa-ibig ako
Sa isang sulyap mo ay nabihag ako, para bang himala ang lahat ng ito, Sa isang sulyap mo nabighani ako, nabalot ng pag-asa ang puso, Sa isang sulyap mo nalaman ang totoo, ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay, Sa isang sulyap mo ayos na ako, sa isang sulyap mo, napa-ibig ako
Sa isang sulyap mo, ayos na ako Sa isang sulyap mo, napa-ibig ako...Teksty umieszczone na naszej stronie są własnością wytwórni, wykonawców, osób mających do nich prawa.