Alam mo ba? Meron kaming sasabihin Matagal nang lihim Ng mga ka-grupo ko Ngayon kami aamin
[Luci J:] Mga tagpi-tagpi Bakit kung ano ang totoo kinukubli Di balanse na timbang, lamang salapi Minsan sa taas ng ere ay masasawi
Hanggang saan ba aabot yan Meron bang patutunguhan o nahihibang? Panandaliang nanahimik ang mga buwang Pero hindi ibig-sabihin hanggang dun na lang
Sa mga tunay kampay sa hule 'Lam ko na ang kulay, dama sa tabi Alam mong sisikatan abutin man ng gabi Kahit anong mangyari ay magsisipag kami
Tula kalidad di lang dila pinapagana Kahit bilang na lang nakakaunawa Kelan man ay hinding hindi na magsasawa Ang kagaya namin na baliw na sa pakikisama
[Guddhist:] Di tayo magkakapareho ng laman ng isip Wag kang makulit masyado wag mo na ipilit Utak na makitid, ulong malaki Automatic katukayo yan ng dilang matabil
Sige, ikaw na ang panalo, ikaw na makisig Sayo na lahat ng palakpakan at papuri Di magpapa-pigil di mapakali Kapag di siya pinaguusapan sa tabi-tabi
Tabi-tabi, pwedeng padaan hindi magaan Ang pasan-pasan ko na mga bara may laman Malamang may tatalaban, talaga namang May kakabahan sa ganitong uring sulatan
At kung ang premyo dito ay kasikatan ng pangalan Malamang sa alamang maraming magbabalagbagan Kalampagan, palakasan sa ngalang ng kaangasan Buti na lang di ako gaya niyong sabik masinagan Imout!
Imout! Imout! Imout! Imout! Imout! Imout!
[Polo Pi:] Sa aking pagpasok siguradong suwag tong mga to Pang sa net lang matitikas urat tong mga to Pag sulat ko na tumama sugat tong mga to Parang batang nagiiyakan kase di pinalaro
Oh panyo na hinihila, gawain yan ng kadiri Kung nasan kayo ngayon kayo mismo ang pumipili Sa iyo na ginawa hindi ka sana na magsisi Mataas tong enerhiya hindi ka mananatili to
Gawain ko na to dati noon pa man Dito ako napamahal kaya ako'y tumatagal, go Ka lang naman parang kampanang madaldal Kumikirot ka sa tenga waring boses na pabalbal
Ganon pa man, kalmado parin ako Kahit hindi ko na todo to Eto chill lang ako habang naka-upo Magbago man, mananatili parin ako Kahit saan na ito humantong matayog matibay at nakatayo
[Youngwi$e:] Dami dami den nakikinig, di na inuunawa Nagkanda hawa na sa nais labis na bumaga Nagkandawala naka hawla sa panlasang masama Tamasa pa ka sasa Galawang pang sagada
Saka na muna inuuna lagi ang sarili Nananatiling manatili walang pinipilit Bukam-bibig nila iba't ibang gimik at hilig Wala ng pili-pili lalo't sinisisi
Sinisipagan na lang lalo pag walang galaw Kakagat lahat takam ng makaka-ayaw Panalo pano walang talo sa gumagalaw Labo man natatanaw gulo di na saklaw
Langit, lupa, hangarin nais na makuha Daming bunga kahit puno ng pagdurusa Di dapat magduda, dapat kang magkusa Kilos bawat sana sana bago pa mauna
[Ghetto Gecko:] (Enerhiyang malupet) Bawal dito makulet Kung may pasaway kang tropa baka dito bumaet Wag mo 'kong minamani, wag kang nagmamadale Kung hindi mo 'ko nakuha wag mo 'kong minamali
Totoo tong nangyayari di lang to bali balita Di to para sa lahat para lang sa nakakita Yeah Melodiyang pambihira lirisismot Intensyon ang ginagamit ko pang hiwa
'Lang pake sa mga taong na mapagpuna, yeah Inunahan ko lahat sila ay abo na, yeah Meron pa dyang nagagalit sa halaman Kahit walang nalalaman Puro ingay, di malaman kung anong pinaglalaban
Kala nila lagi lamang ako dun sa usukan Kung alam mo lang pano to makipagbaragan Walang patas na ragan lagi mga haragan Wag ka na magsalita kung di mo kayang palagan Imout!
Imout! Imout! Imout! Imout! Imout! Imout!
We're out!...Teksty umieszczone na naszej stronie są własnością wytwórni, wykonawców, osób mających do nich prawa.